Ang pag-inom ng alak, isang napakakaraniwang karanasan para isang Pilipino. Mapababae o lalake, bata o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alkohol. Bakit nga ba marami ang umiinom, at bakit parang estudyante yata ang natututo ng gawaing ito? Bakit nga ba nahihilig sa pag-inom ang mga estudyante sa kabila ng masasamang epekto nito sa kanilang katawan at isipan? Ano nga ba ang nagtutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag-inom? Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakapagtataka na sa lahat ng okasyon yata ay laging perfect attendance ang alak o beer? Minsan nga tayong mga Pilipino, lalo na ang mga estudyante ay umiinom nang walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda na halos ginagawa nang tubig ang alak. Iyan tuloy ang naging libangan na ng halos lahat ng estudyanteng uminom. Isa pa, kahit na hindi masarap ang lasa ng alak ay mahilig pa rin tayo dito. Siguro dahil ito sa " tama " na nadadala ng pag-inom ng maraming alak. Kaya namin ito napili ay para madagdagan ang kaalaman namin tungkol sa bagay na ito, dahil kami mismo ay ginagawa ito. Isa pa, ito'y para mabigyang linaw namin ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinon ng alkohol. Mayroon na kaming kaunting kaalaman tungkol dito, ngunit sa tingin naming ay hindi pa ito sapat. Marami pang bagay ang gusto naming malaman na may kinalaman sa paksang ito. B. Kaligirang Pangkasaysayan Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng nagpapalunas ang alak. Samantala sa United Kingdom, itinala na mahigit sa 2.8 milyon ang bilang ng mga "mapang-asang manginginom" (dependent drinkers) noong 2001. Inestima naman ng World Health Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa alkohol. Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-asang manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo sa pamilya at komunidad kahit na kabalikat nito ang mga karamdamang gaya ng cirrhosis at kanser sa atay; stroke, trauma, at sakit sa puso. (责任编辑:) |