Ayon kay Sudprasert (2014), and adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong: Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon: mga paksang tatalakayin mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa oras na itinakda para sa bawat paksa Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. Ito ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda Tulad ng paggawa ng memorandum, mayroon ding sinusunod na hakbang sa paggawa ng adyenda. Tandaan na ang mga paksang tatalakayin ay hindi lamang sa isang tao magmumula kundi manggagaling sa mga taong kasapi sa pulong. Narito ang mga hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng adyenda: Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang email na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung email naman, kinakailangan magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito. 3) Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala o nalikom na. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong nagpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. 4) Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay dito ang layunin ng pulong na ito, at kung kailan at saan ito gaganapin. 5) Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong. Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda: 1) Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga paksang pag-uusapan. Gaya ng nabanggit sa unahan, maaari itong ibigay sa mga kasapi sa pulong, isang araw o dalawang araw bago ang pulong depende sa kultura ng organisasyon o institusyon. Maaaring magdala ng karagdagang kopya nito sa mismong araw ng pulong upang kung may nakalimot dalhin ito ay maaari mo sADYENDA.pptx ADYENDA.pptxJohanna Lien Aquino (责任编辑:) |