|
Idineklarang patay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabralnitong Biyernes ng madaling-araw, Disyembre 19, 2025, matapos matagpuan ang kanyang bangkay dahil sa diumano’y pagkakahulog sa bangin ng Bued River, Benguet. Siya ay 63. Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline Sa mga panayam sa driver ni Cabral na si Cardo Hernandez, sinabi nitong nagpaiwan ang amo niya sa naturang lugar para makapag-isip. Ikinuwento ni Hernandez ang tatlong beses na pagsaway niya kay Cabral dahil sa pangambang baka mahulog ito sa bangin nang maupo sa concrete safety barriers ng kalsada. Diumano, isang pulis ang nagpaalis sa kanila sa naturang lugar kaya nagpunta sila sa isang restaurant na malapit sa hotel na tinuluyan nila para kumain. Ayon kay Hernandez, bumalik sila ni Cabral ng alas-tres ng hapon sa lugar na kanilang pinanggalingan at muling naupo si Cabral sa concrete safety barrier. Umalis si Hernandez. Pero sa kanyang pagbalik, hindi na umano niya nakita si Cabral.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓ Nabigo si Hernandez na mahanap si Cabral dahil wala raw siyang dalang flashlight kaya hiningi na niya ang tulong ng mga pulis. Patuloy na iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang mahiwagang pagkamatay ni Cabral. Read: Zaldy Co tags Marcos, Romualdez as mastermind of bicam insertions DPWH MOURNS THE PASSING OF CABRALMaagang naglabas ng mensahe ng pakikiramay ang DPWH ngayong Biyernes para sa mga naulila ni Cabral (Mayo 23, 1962 - Disyembre 18, 2025). Hinihiling ng pamunuan ng DPWH na igalang ang pagluluksa ng naulilang pamilya ng nasawi. Ito ang kabuuan ng mensahe ng pakikiramay ng DPWH tungkol sa pagpanaw ni Cabral: “The Department of Public Works and Highways (DPWH) extends our deepest condolences to the family of former Undersecretary Maria Catalina Cabral during this very difficult time. “Undersecretary Cabral served the Department for more than 40 years, and her loss will be mourned throughout the organization. “We recognize the profound loss the family is facing and offer our sincerest prayers. “The Department urges everyone to respect the family’s need for privacy as they mourn and come to terms with the sudden loss.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
“We thank you for your compassion and understanding.” Read: Sarah Discaya, nangangamba para sa apat na anak na may ADHD CABRAL'S ALLEGED INVOLVEMENT IN ANOMALOUS FLOOD CONTROL PROJECTSKabilang si Cabral sa mga akusado sa mga anomalya sa bilyun-bilyong pisong halaga ng flood control projects ng DPWH. Maraming beses dumalo si Cabral sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa mga katiwalian sa DPWH kaya naging pamilyar sa kanya ang publiko.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓ Bitbit ni Cabral sa misteryosong paraan ng pagpanaw nito ang lahat ng mga nalalaman tungkol sa mga anomalya sa sangay ng pamahalaan na dating pinaglilingkuran niya. Nagbitiw si Cabral sa tungkulin noong Setyembre 16, 2025. Inimbitahan siya ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) noong Disyembre 15 para imbestigahan, pero hindi niya sinipot ang naturang pagdinig. (责任编辑:) |
